Saturday 20 July 2013

Lovelife? Bakit nauso pa yun?


Yun na nga marami ang gustong mag bahagi tungkol sa karanasan nila. May iba't-ibang karanasan na siguro tayo tungkol sa pag-ibig. Ako? marami na din akong aral na napulot dahil diyan. Maraming masasayang bagay na din akong naranasan at marami din ang masasakit. Ika nga balanse lang, hindi lahat puro sakit at hirap lang. Ganyan. 

Marami na din akong mga kaibigan na humihingi ng payo tungkol sa pag-ibig. Karamihan ay yung mga sawi sa pag-ibig. Ayaw ko naman mag suggest kung ano ang dapat nilang gawin para malampasan ang paghihirap nila, baka ako naman ang sisihin pag hindi epektib yung suggestion ko. Pero alam naman natin sa panahon ngayon lalo na pag nagda-drama ka sa kaibigan mo. Tapos sasabihin sayo, "Laslas na friend!!"  Okaya naman, "Bigti na friend!" Sarap ilaglag sa bintana eh noh? Hahaha. Seryoso, Tanging gabay at taimtim na dasal lang ang maibibigay ko dyan. Kasi ang bawat tao na dumaranas o nasa impluwensya ng pag-ibig ay may sariling paraan para malampasan nang hirap na pinagdadaanan. Naniniwala ako na walang binigay na pagsubok ang Diyos na hindi natin kayang lampasan.

Siguro ito na lang ang tanging maibabahagi ko sa mga kaibigan ko...

Para sa mga kaibigan kong SINGLE

Ang pag-ibig ay parang isang paru-paru; "The more you chase it, the more it eludes you." Pero kung hahayaan mo lang siyang masayang lumipad, dadapo din yan sayo sa panahon na hindi mo inaasahan. Pero dapat mo din tandaan na hindi lang puro saya ang naidudulot kapag umiibig ka. Minsan makakaranas ka din ng sakit. Ngunit magiging mas masaya ito kung ibibigay mo ang puso mo sa taong karapat dapat. So relax relax ka lang dyan. Take your time and piliin ang tama at worth ng sacrifice mo.

Para naman sa mga kaibigan kong HINDI NA MASYADONG SINGLE

Ang pag-ibig ay hindi tungkol sa kung paano mo umayos at maging perpekto para sa taong mahal mo. Ito ay tungkol sa pagkakaroon mo ng chance na matagpuan ang isang tao na magiging gabay at katulong mo sa pagiging isang mabuting tao. No judgement for who you are but just acceptance and respect. 

Para sa mga kaibigan kong PLAYBOY/PLAYGIRL

Never say never... Lels.. Never say "I love you" if you don't mean it. Wag kang paasa. Wag mong pasukin ang isang relasyon kung ang intensyon mo naman ay saktan ang isang tao. Wag kang mangako kung di mo naman kayang tuparin o ibigay.  Siguro ang pinakamasakit na bagay na gawin ng isang babae o lalaki ay yung paasahin ang isang tao na mahulog sa kanya pero wala naman itong intensyong saluhin kapag nahulog na ito. Sakit nun. Pilay ka na, basag ka pa!

Para dun sa mga WALANG MUWANG SA PAG-IBIG

Nais mo din mailove? Go lang!

Madali lang naman mainlove friend. Simple lang: Mainlove ka, you can fall in love sa kung sino ang nasa puso mo; pero sa oras na dumating ang sakit, wag mong hayaang nakadapa ka na lang. Stand up and move on. And keep loving. Be consistent but not too persistent. Understand your love but never demand. Eventually, love will hurt you but never keep the pain. Let it go and then move on. Yan lang ang rule para makasurvive ka. Good luck!

Para sa mga friends kong BROKEN-HEARTED

Ok, heto na.. Ikaw na to friend!

Sa totoo lang, nasa sayo naman yang sakit na dinadala mo. Nasa sayo yan kung hanggang saan mo ba gusto masaktan. Nasa sayo din yan kung hanggang saan mo ba gusto masugatan at kung gaano kalalim ang sugat na gusto mo. Nasa sariling gusto yan. Kung baga pa trip trip lang yan! Oo! nasaktan ka na, pero may magagawa ka pa after ng sakit. Maari mong gamutin ang sugat. I think ang challenge dito ay HINDI yung kung paano mo malampasan ang sakit at magsimula ulit kundi ano yung lesson na makukuha mo sa sakit na nararamdaman mo at maiapply yan sa buhay mo.

Para naman sa mga TAMEME

Alam mo friend, masakit yung pinaasa ka ng iyong kapareha tapos hiniwalayan ka. O kaya naman may gusto ka sa isang tao tapos medyo landian kayo. Alam mo na. Hahaha, nagbibigay ng motibo tapos hindi ka pala gusto? Sobrang sakit nun. Pero wala nang mas masakit pa sa isang tao na hindi alam ng mahal niya na may gusto siya sa kanya. Kaya kung ako sayo, do the first move. Baka maiwan ka sa byahe o di naman kaya ay maunahan ka ng iba. Ikaw din! Pero nasa sariling diskarte mo yan. Kung kailan ka handa at ready kana sumabak sa relasyon... Go na friend!

At ang huli, para sa mga kaibigan ko na STILL HOPING AND HOLDING ON

Alam mo ang masakit sa pag-ibig, yung makatagpo ka nang isang tao na sa tingin mo makakasama mo habang buhay, binigay mo ang lahat para sa kanya ngunit sa bandang huli ay iiwan at hihiwalayan ka. Parang waste of time, sacrifice and effort lang ba. Mas masakit pa yun sa natuklap mong kuko. Yung sakit na tipong darating kana sa point na umiiyak ka pero walang luha ang tumutulo kasi laway mo ang tumutulo yung puso mo ang umiiyak. Yung tipong nagsusuka ka na sa kakaiyak at di ka na makatulog. Yung tipong gusto mo siyang isumpa na nagkakilala at minahal mo pa siya. Pero mahal mo pa din siya at kahit ano pa ang nagawa niya, kung mag sorry lang siya, patatawarin mo din siya agad-agad.

Kung sa ngayon pa lang ay hindi siya worth sa love mo, hindi siya magiging worth after a year or maybe after 10 years. Ever! Let go na friend.. Move on. Get a life!

Kaya tandaan lang na ang pag-ibig ay isang malaking casino, yung mala Resorts World para bongga! Maraming naglalaro. Maraming manlilinlang. Maraming balakid at maraming tukso. Gaya sa casino kailangan mong tumaya. Hindi sa lahat ng oras panalo ka. Minsan talo ka din. Hindi sa lahat ng panahon nakukuha mo ang gusto mo. Minsan maaagawan ka rin. Pero ang IMPORTANTE ay yung pagtayo mo sa iyong kinauupuan para magsimula ng panibagong buhay para dun sa mga nasaktan. Para naman dun sa panalo sa pag-ibig, ipagpatuloy mo lang yan. Be happy always. Love love love.

Eto pa! Para sa mga kagaya ko! Mga kaibigan kong nasa STATE OF MOVING ON AND LETTING GO.

Chos! Naka-move on na ko, di ko lang siya ma-let go kasi di naman mabilis mawala yung nararamadaman mo sa isang tao lalo na pag totoo talaga. Di ba? Kung ako sayo, just go with the flooooooow. Wag ka nga lang magtatangkang magpakamatay! Nako te! Overflow na yan. Haha. Corny ko. :( Huhu. Sorry na. Last ko na yun, promise. Pero seryoso, wag na wag. Para kang tanga. Dahil lang dun? Maglalaslas ka? Sus, dami-dami diyan. Wag kang dumipende sa isang tao.. Hayaan mo lang yung nararamdaman mo, kasi hindi yan agad-agad mawawala kung hindi ka magmamahal ulit ng iba. (note: Yung totoo ah! Mamaya ginagamit mo lang para maka-move on ka. Nako te, bad yun. Mas lalo kang mahihirapan. Pero may mga cases naman na gumamit sila ng ibang tao para maka-move on. Nag-try sila, pero pag nag-work out edi maganda! Good yun! Pero pag hindi, nako tawagin mo na lahat ng santo na kakilala mo. Bad ka! Manggagamit! Walanghiya ka! CHAROT! Hahahaha.) Balik tayo sa topic, basta wag talaga. As in wag! Hayaan mo lang talaga, hanggang sa mawala yang nararamdaman mo. Kung nahihirapan ka na talaga, bigti na frienddd. Haha, joke. Naiintindihan ko naman yung sakit na nararamdaman mo eh, lalo na pag sobrang na-attached ka dun sa tao. Pero syempre isipin mo na rin yung sarili mo. Isa pa, di lang siya yung lalaki sa mundo na pwedeng magpasaya sayo, mahalin ka, at umalala sayo, bantayan ka, ingatan ka, at umintindi sayo. May mga kaibigan ka na handang tumulong sayo mapa-saya ka lang. At may pamilya ka na nagmamahal sayo. At mas lalong may Diyos na nasa kanya na lahat ng katangian na hinahanap mo, di mo man siya ma-feel physically pero andyan siya para sayo. Lagi, oras-oras, binabantayan ka. Ginagawa lahat mapasaya ka, mahal ka, iniingatan ka at most importantly iniintindi ka. Kahit may pagkukulang ka sakanya. Kaya kailangan mo lang talagang magtiwala at manalig sa Ama. Wag kang mawawalan ng pag-asa. Ituon mo atensyon mo sa ibang bagay, madami kang mare-realize. Alam ko di mawawala yang sakit na yan, pero pag nalibang ka sa ibang bagay. Andyan pa yan, pero di mo na mararamdaman yung sakit. Cheer up! :)x


Take time to read this one and you'll realize something,

“And don't change for a guy, ever," Leah added. "If they're worthy, they'll like you just the way you are.” ~ Along for the Ride by Sarah Dessen

No comments:

Post a Comment