Wednesday 31 July 2013

Love + Life = Love-life

Lovelife... Ito ay isang salita na pag nawala o nasaktan ka napaka-laki ng epekto sa'yo. Lahat apektado.. Nakakalungkot mang isipin pero di mo na kailangan laging nakatuon o dumepende sa isang tao. Or dun sa pangyayaring yun. Why don't you love your life instead of bragging your self down? Kaya nga Lovelife eh. Kasi kailangan mo din mahalin yung buhay mo, kailangan mong magtira para sa sarili mo. Hindi yung puro siya lang. Madami ka pang pwedeng gawin sa buhay mo. I-enjoy mo lang! Life has to go on. Wag mong isipin yung mga masasakit at mapapait na karanasan na nangyari sayo noon. Move on friend! =) Marami pang mangyayari, habang lumalaki at tumatanda ka.. Marami pang dadating sa buhay mo. Malay mo di pa ngayon, pero balang araw.. ;) May tao ding magmamahal sayo, yung totoo.Yung laging andyan para sayo. Hindi yung hanggang text lang and social networks kayo nag-uusap. Pero pagdating sa personal, wala. Parang di kayo magkakilala. Mas masarap pa rin sa feeling yung legal kayo, walang butas sa pagitan ninyong dalawa. Yung walang ilangan, lalo pag walang tinatago sa isa't isa. Kung magmamahal ka, dapat dun sa sigurado. Wag dun sa kunwaring mahal ka tapos di naman kayang panindigan. Di ba? Kaya kailangan pag magmamahal ka, wag mong lahatin para di masyadong masakit. Mahalin mo din buhay mo.Mahalin mo sarili mo. Hindi yung porket Love mo siya.. sasabihin mo siya din buhay mo. "Hindi ko kayang mawala ka, mamatay akooo!!" Hahahaha. Walang kwenta. -__-" Magtira ka sa sarili mo. :) Mahalin mo buhay mo, may pamilya at mga kaibigan ka pa. Lalong may Diyos. ;) Wag mong sayangin lahat dahil sa iisang tao.


-
Hanngang dito lang po muna. Singit lang to. Hihi. At Computer Laaaaaab! :)x

No comments:

Post a Comment